Idiniin ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na hindi raw napatunayan ng nagpakilalang 18 na dating mga bodyguard ni dating Ako Bicol Partylist Zaldy Co ang kanilang mga alegasyon base sa kanilang binuong joint affidavit.
Sa naging paglilinaw ni Matibag sa isinagawang consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Hunyo 8, 2026, sinabi niyang wala raw sapat na knowledge, puro sabi-sabi, walang koordinasyon, at coordinated lang daw ang naratibo ng 18 bodyguards kaugnay sa male-maletang mga pera na kanilang inihatid sa maraming mambabatas.
“Ano po ang konklusyon sa ginawa naming pag-iimbestiga? Hindi napatunayan ang mga alegasyon base sa mga ebidensyang iniharap,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Walang sapat na knowledge, puro hearsay, walang collaboration, at coordinated ang narrative.”
Diin ni Matibag, hindi rin daw sapat na gawing basehan ang pagsusumite ng affidavit para magsampa ng kaso at kinakailangan daw na hiwa-hiwalay at hindi magkakasama sa iisang affidavit ang paglalatag ng kaso ng naturang grupo.
“Ang affidavit ay hindi sapat na basehan para mag-file ng kaso. Sa report, binanggit na ang joint affidavit ay hindi self-sufficient basis for probable cause at bawat alegasyon ay dapat independent, competent, at authenticated evidence,” saad niya.
Ani Matibag, malinaw raw na hindi napatunayan ng 18 bodyguards ang mga inilatag nilang ebidensya laban sa mga mambabatas na nahatiran umano nila ng male-maletang pera.
“Ang tanong ay hindi compassible ang nangyari kundi napatunayan sila batay sa ebidensya. At ang kasong ito, hindi nila napatunayan,” pagtatapos pa niya.
Samantala, batay sa naging paglilinaw ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Erwin Tulfo, dumating Senado ang mga miyembro ng 18 bodyguards nito ring Lunes, Hunyo 8, ngunit dumiretso sila sa opisina ni Sen. Robin Padilla upang magsagawa raw ng press conference.
Naglahad naman ng pagkadismaya si Sen. Win Gatchalian sa hindi pagdating ng naturang grupo at tumatayong abogado nila na si Atty. Levi Baligod sa ikinasang consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Raffy Tulfo, inapelang tawagin na lang '18 kargador' ang 18 ex-soldiers!
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Win dismayado sa ‘di pagsipot ng 18 ex-soldiers, Atty. Baligod