June 08, 2026

Home BALITA National

Sen. Raffy Tulfo, inapelang tawagin na lang '18 kargador' ang 18 ex-soldiers!

Sen. Raffy Tulfo, inapelang tawagin na lang '18 kargador' ang 18 ex-soldiers!
Photo courtesy: MB, File Photo

Pinatutsadahan si Sen. Raffy Tulfo ang 18 ex-bodyguards ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na tawagin na lang daw ang naturang grupo bilang “18 kargador.” 

Matatandaang dumalo ang nasabing grupo sa ikinasang pagdinig ng Cayetano bloc sa Senate Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4, 2026, at sinamahan sila ng tumatayo nilang abogado na si Atty. Levito “Levi” Baligod. 

MAKI-BALITA: AFP, nanawagang 'testigo, bodguards na lang' itawag sa 18-ex Marines

Sa naging pagsisimula naman ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa ilalim ng pamumuno ni Sen. Erwin Tulfo nitong Lunes, Hunyo 8, 2026, sinabi ni Sen. Raffy idiniin niyang tawagin na lang daw bilang mga kargador ng maleta ang nasabing mga testigo. 

“Let me call them ‘Labingwalong kargador’ kasi nga po nagkakarga sila ng male-maletang pera. Sabi nga nila, ‘yon po talaga ang trabaho nila, tagabitbit [at] tagakarga ng maleta,” pagsisimula niya. 

National

<b>NBI, binuweltang 'puro sabi-sabi' mga ebidensya ng 18 bodyguards!</b>

Ani Sen. Raffy, hindi raw karapat-dapat na mag-imbita ang Senate Blue Ribbon Committee ng mga testigong kagaya ng “18 kargador” nang hindi raw nalalaman kung dapat bang paniwalaan ang mga ito. 

“Simulang-simula pa lamang po na tinawag silang 18 marines, may panlilinlang na agad. ‘Yong bansag na 18 marines ay paraan na agad upang pabanguhin sila sa publiko,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Pero hindi naman po silang lahat ay dating Marines at mahigit kalahati sa kanila ay discharged without honors or dishonorably discharged from charges for various offenses.” 

Giit ni Sen. Raffy, mahalaga raw ang impormasyong inilahad niya upang piliin ng taumbayan ang mga taong dapat na paniwalaan ng mga ito para sa katiwa-tiwalang mga impormasyong dapat nilang malaman 

Sa pagpapatuloy ni Tulfo, tila hindi rin daw sang-ayon na matawag na mga bayani ang naturang grupo taliwas daw sa naging papuri ng isa sa mga senador sa “18 kargador” nang maganap ang pagdinig nila noong Hunyo 4. 

“The people portraying them as heroes, Goddamn. Sabi nga ng isa sa mga senador na dumalo sa raw na iyon, bayani daw po sila,” ‘ika niya. 

Diin ni Tulfo, nakakahiya raw sa mga tunay na bayani ng Pilipinas at mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na tawaging bayani ang pinatututsadahan niyang “18 kargador.” 

“Pasensya na. Hindi ako papayag na matabi ang mga sinungaling na ito kina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at mga dakila nating OFWs,” pagtatapos pa niya. 

Naghayag naman ng pagkadismaya si Sen. Win Gatchalian sa hindi pagdating ng 18 dating sundalo at ang abogado ng mga ito na si Atty. Levi Baligod.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Win dismayado sa ‘di pagsipot ng 18 ex-soldiers, Atty. Baligod

KAUGNAY NA BALITA: ‘They are unworthy of our respect!' PH Marines, tinalakan 18-ex Marines