Ni CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE

AABOT sa 382 milyong tao — 8.3 porsiyento ng kabuuang adult population sa mundo — ang may diabetes. Inaasahang tataas pa ito sa 592 milyon pagsapit ng 2035, ayon sa Diabetes Atlas ng International Diabetes Federation.

Ayon sa Diabetes Fact Sheet ng World Health Organization (WHO), ang diabetes ay malubhang sakit na bunsod ng hindi sapat ang produksiyon ng insulin at hindi makatugon ang katawan sa epekto nito.

Hihigit sa apat na milyong Pilipino ang nakikipaglaban sa diabetes, at marami sa bansa ang hindi nakakabatid na taglay nila ang sakit na ito.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

“The Philippines is among the top 15 countries with the highest prevalence of type 2 diabetes in the world. More than four million Filipinos are diagnosed diabetics and many more are unaware they have the disease,” sabi ni Dr. Cynthia Rosanna Manabat, dating pangulo ng Philippine Society of Endocrinology and Metabolism (PSEM).

Type 2 diabetes ang pinakakaraniwang uri ng diabetes.

Una nang ipinaliwanag ng Department of Health (DoH) ang dalawang uri ng diabetes — ang Type 1 Diabetes (T1D) at Type 2 Diabetes (T2D). Sa T1D, humihinto ang katawan sa paglikha ng insulin o lumilikha ng kakaunting insulin upang ma-regulate ang glucose level sa dugo; habang sa T2D ay nawawalan ng nawawalan ng kakayahang gamitin ang insulin.