Matteo Guidicelli

SA November 5 na ipapalabas ang pelikulang Moron 5.2 The Transformation na pinagbibidahan nina Luis Manzano, DJ Durano, Billy Crawford, Matteo Guidicelli at John Lapus, sa direksiyon ni Wenn Deramas under Viva Films.

Nakapag-dubbing na kamakalawa si Matteo para sa mga eksena niya.

Inaabangan ng fans ang red carpet premiere night ng Moron 5.2 dahil marami ang nag-aabang kung maisasama na this time ni Matteo ang kasintahang si Sarah Geronimo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaan na hot issue last August ang pag-aabang din ng fans kay Sarah sa premiere night ng Somebody To Love na isa rin sa mga bida si Matteo. Pero hindi nga raw pinayagan si Sarah ng ina.

Nakikita na rin na magkasama sina Matteo at Sarah pero paminsan-minsan lang at piling-pili ang crowd, kaya sabik ang fans na makita silang magkasama sa ganitong big entertainment events.

Huling nakita na magkasama sina Sarah at Matteo sa concert ni John Legend sa Smart Araneta Coliseum.

Banggit ng isang taong malapit kay Matteo, walang dahilan naman daw para hindi imbitahan ni Matteo si Sarah sa premiere night ng Moron 5.2.

Sana nga ay maisama na niya ang mahal niya this time.

“Tutal naman, Viva Films na mother studio rin naman ni Sarah ang producer ng movie, sana naman payagan na ni Mommy Divine ang anak niya na kahit papaano, eh, makakatulong para sa promo ng pelikula ng mamanugangin niya,” napatawa pang banggit ng kausap namin.