ARJO Atayde

CHEERIOS cereals at stick mushroom lang ang kinakain ni Arjo Atayde nang makita namin siya sa bahay nila. Ito lang daw kasi ang kinakain ng mga nagpapapayat.

“Ang bilis kasi nitong makapagpapayat, Tita. Ito ang turo sa akin ni Joseph (Marco),” kuwento ni Arjo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iyon lang daw ang kinain ni Joseph habang naghahanda noon para sa Cosmo show.

“Siyempre sasabayan mo ng workout. ‘Tapos puwede ring kamote lang, malakas makakapagpapayat din,” sabi pa ni Arjo.

Hindi ba’t may lumabas na resulta ng research na hindi mabuti sa kalusugan kung cereals lang ang kinakain?

“Hindi naman po, kasi kumpleto naman sa nutrients itong Cheerios at ito rin talaga ang sabi rin ng trainor,” katwiran ng aktor.

Sa halip daw na kung anu-anong tsitsirya lang ang kainin, mas mainam sa katawan ang cereal na kinakain niya. Tinikman tuloy namin, at masarap pala.

Bakit siya nagpapapayat si Arjo, kailan siya rarampa sa men’s fashiow?

“’Pag maganda na po katawan ko, ngayon kasi hindi pa… saka isipin ko rin,” natawang sagot ng aktor na gumaganap bilang Raymund sa Pure Love.

Hanggang Nobyembre pa eere ang Pure Love at umaasa ang aktor na sana ay magkaroon ulit siya ng project na masayang gawin tulad nito.