blind item shades

NARINIG naming nagkukuwentuhan ang dalawang TV executives tungkol sa aktor na ayaw na ayaw pag-usapan dati ang tungkol sa ex-girlfriend niya.

“‘Kakaloka, porke’t may pino-promote biglang pinag-usapan na si ____ (ex-girlfriend), eh, dati ayaw na ayaw niyang sumagot. Maski na anong kulit mo, ayaw niyang magsalita at panay ang sabi na ibang topic na lang kasi nakakahiya at matagal na silang wala atsutsutsu,” sabi ng isang executive.

“Eh, kasi nga part ng promo pa rin ‘yun. Saka alam niyang masaya na si Girl ngayon, so may selos factor pa rin,” sagot naman ng kausap.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa tingin namin, nagpaliwanag lang siguro ang aktor kung ano talaga ang nangyari kasi nga hanggang ngayon ay walang nakakaalam ng tunay nilang paghihiwalay ng dati niyang girlfriend.

‘Yun nga lang, wrong timing kasi natapat na may pino-promote siya kaya ang ending, ginagamit niya ang ex-girlfriend kasi nga wala nang mahalukay na isyu sa kanya.

Well, ganyan ang buhay-showbiz, gamitan lang. Kaya dapat habang ginagamit ka, hingan mo ng kapalit para patas.