CANDELARIA, Quezon - Himalang nakaligtas ang manager ng isang Small Town Lottery (STL) betting station nang tambangan ng isang lalaki sa Barangay Masin sa bayang ito noong Linggo ng gabi.

Bagamat nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Gerry de la Cruz, 55, manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSP)-STL Candelaria Branch, napatay naman ang hindi pa kilalang suspek nang paputukan ito ng bodyguard ni De la Cruz.

Ayon sa imbestigasyon, nakapasok ang suspek sa PCSO-STL compound at biglang pinagbabaril si De la Cruz, pero hindi ito tinamaan.

Nang matunugan na may kasama si De la Cruz sa loob ng kanyang Isuzu Crosswind (NAQ-148) ay bigla rin itong niratrat ng suspek. Nang mamataan ng close-in bodyguard ng biktima na si Juvanie Maasin Consolacion ang suspek ay binaril ito.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Dead on the spot ang suspek—na may taas na 5’6”, nakasuot ng camouflage pants at puting T-shirt—sa tama ng bala sa ulo at katawan.

Isa pang residente, na nakilalang si Renz B. Aguilar, ang tinamaan ng ligaw na bala sa kanang binti na lumabas sa puwitan.

Natagpuan ng pulisya sa crime scene ang pitong basyo ng bala, dalawang slug at walong bala ng .45 caliber pistol. - Danny J. estacio