Hindi inaasahang dadami ang mga kaso ng dengue ngayong madalas ang bagyo, pero dapat pa ring mag-ingat ang mga tao laban sa nasabing nakamamatay na sakit, ayon sa Department of Health (DoH).

“The DoH is still monitoring the cases. We should all be cautious. When it rains, it does not necessarily means dengue will increase but the risk of becoming infected by it increases,” ani Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng DoH.

Batay sa huling surveillance report ng DoH, natukoy na may kabuuang 64,375 kaso ng dengue ang naitala sa bansa mula Enero 1 hanggang Setyembre 13. Ang nasabing bilang ay 58.33 porsiyentong mas mababa kumpara sa 154,495 naitala sa kaparehong panahon noong 2013.

Karamihan sa mga na-dengue ay nasa Northern Mindanao, Davao region, Calabarzon, CARAGA, Central Luzon at Western Visayas, habang Quezon City naman sa Metro Manila ang may pinakamaraming kaso ng dengue na umabot sa 653. - Jenny F. Manongdo

National

Desisyon sa impeachment trial vs VP Sara, ‘walang assurance’ na magiging patas – Pimentel