SANTA IGNACIA, Tarlac - Patay ang isang Canadian citizen at dalawang iba pa ang nasugatan matapos bumangga ang minamaneho niyang owner-type jeep sa kasalubong na Five Star Bus sa highway ng Barangay Padapada, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PO3 Aris Rombaoa ang nasawi na si Michael Linden H. Green, 33, ng Calgary, Alberta, Canada. Grabe namang nasugatan sina Jonathan Paragas, 33, may asawa; at Alfredo Torres, 41, kapwa ng Palili Street, Alaminos, Pangasinan.

Wala namang iniulat na nasaktan sa mga lulan sa pampasaherong bus (AVR-279) na minamaneho ni Alan Opilinto, 35, ng Barangay Tiep, Bani, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang banggaan bandang 11:50 ng gabi, habang bumabagtas patimog ang jeep ay aksidenteng nakasalpukan nito ang bus.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20