MAAGA ang Valentine month sa GMA-7.

Dahil simula sa Lunes (Oktubre 6), ipapalabas na ang Seasons of Love,ang pinakabago, inspiring at nakakakilig na month-long offering ng GMA Network. Ang Seasons of Love ay para sa lahat ng manonood na naniniwalang mayroong tamang lugar at panahon ang pag-ibig.

Sisimulan ng Siyete ng paghahatid ng isang weekly anthology sa weeknight primetime na layong gawing mas exciting ang pakiramdam ng umiibig at tiyak na magpapakilig sa televiewers.

Kagigiliwan ang Seasons of Love ng mga Pilipino, may iniibig man o wala pa o hopeless romantics, dahil mapapanood sa programa ang iba’t ibang mukha ng pagmamahal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ipalalabas ang apat na espesyal at nakakaantig na kuwento ng pag-ibig na ginawang mas nakakakilig dahil kinunan ang bawat eksena sa mga breathtaking landscapes at charming towns sa bansa.

Ang unang episode na mapapanood sa Lunes ay ang “Soulmate, Soulhate” na pinagbibidahan nina Ruru Madrid atGabrielle Garcia na napapanood din sa primetime series na My Destiny.Gagampanan ni Ruru ang papel ng maangas na si Rusty na liligawan ang konserbatibong si Gracia (Gabrielle) dahil lamang sa isang pustahan.

Sa direksyon ni Gina Alajar, tiyak na kaaaliwan ng Kapuso viewers ang panonood sa kuwentong ito na punumpuno ng kuwelang sitwasyon sa pagpapalit ng katauhan nina Rusty at Gracia. Magpapanggap din sila bilang magkasintahan na mapupunta sa totohanan.

Ang Seasons of Love ay binuo sa pamumuno nina Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable; Vice President for Drama-Redgie A. Magno; Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy; Program Manager Redgynn S. Alba; at Executive Producer Mona Mayuga.