CAVITE— Maruming ilog ang dahilan ng fish kill sa Rosario, Cavite, ayon sa isinagawang pagsusuri sa tubig ng Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) Region IV-A.

Nitong nakaraang araw ay lumutang ang mga patay na isda sa Malimango River na sumasakop sa limang barangay sa Rosario hanggang sa Manila Bay.

Base sa isinagawang pagsusuri ng BFAR Quick Response Team at Fish Health Unit, nasa critical level ang tubig sa ilog na mataas ang ammonia-nitrogen, nitritenitrogen, at phosphates.

Ang ammonia, ayon sa BFAR ay compound chemical na nagmumula sa mga nabubulok na halaman at hayop o dumi ng hayop. Posible rin itong magmula sa agricultural, industrial at domestic wastes.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Nakipag-ugnayan ang BFAR sa lokal na pamahalaan ng Rosario upang maayos na mailibing ang mga namatay na isda at maiwasang maibenta sa merkado dahil hindi ligtas kainin ang mga ito.