Iginiit ng tiyuhin ni Floyd Mayweather Jr. na wala nang ibang makakaharap pa sa susunod na laban ang pound for pound king sa 2015 kundi si Briton boxing superstar Amir Khan at ang karibal sa kasikatan na si eight-division world titlist Manny Pacquiao.

Sa panayam ni Robert Brown ng On the Ropes Boxing program, bagamat hindi pa siya nakatitiyak, ay diniretsa ni dating boxer at trainer na ngayon na si Jeff Mayweather na sina Khan at Pacquiao na lamang ang may pinakamataas na pagkakataong makalaban ng walang talong pamangkin.

"To be honest, I can’t really say who it is because I’m not one hundred percent sure. If they do it by names — which Floyd normally does — it may actually help the pay–per-view revenue, it’s gonna possibly be Khan or maybe Pacquiao next for Floyd, because there’s no other options out there in the weight class that make any sense," pahayag ng co-trainer din ni Floyd.

Sumabak sa loob ng ring kung saan natamo niya ang IBO super featherweight title noong 1980s, abala ngayon ang nakatatandang Mayweather sa pagtuturo ng kanyang kakayahan sa mga bagong boksingero. Dati siyang pangunahing trainer ni Floyd subalit makaraang makasundo ng pamangkin ang ama nitong si Floyd Sr. ay ipinaubaya na rito ni Jeff ang pangangasiwa ng karera ng walang talong Amerikano.

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

Inaasahang matutuloy na ang dream fight nina Pacquiao at Mayweather sa 2015 dahil sa naunang ipinamalita ni Top Rank big boss Bob Arum na may seryosong pag-uusap ang dalawang higante at magkaribal na HBO at Showtime networks at patuloy ang panawagan ng maraming apisyonado sa boksing na magharap na ang dalawang boksingero.