THE HAGUE (AFP)— Nagsimula na ang mga huling argumento noong Lunes sa paglilitis sa genocide at war crime ni dating Bosnian Serb leader Radovan Karadzic, na kinasuhan ng ilan sa pinakamatinding kasamaan sa Europe simula noong World War II, kabilang na ang Srebrenica massacre.

Nagsimula ang paglilitis sa International Criminal Tribunal ng UN para sa dating Yugoslavia (ICTY) dakong 9:00 a.m. (0700 GMT) ngunit si Karadzic, na tumatayong abogado ng sarili, ay inaasahang sa Miyerkules pa haharap sa korte.

Sa nalalapit na pagtatapos ng limang taong paglilitis, magkakaroon ang prangkang one-time president ng self-proclaimed Bosnian Serb Republic ng huling pagkakataon na iproklama ang kanyang pagiging inosente.

Si Karadzic, 69, ay nahaharap sa 11 kaso ng genocide, war crimes at crimes against humanity sa kanyang papel sa Bosnian war noong 1990s na ikinamatay ng mahigit 100,000 at nagtaboy sa mahigit 2.2 milyong katao.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Sinabi ng mga prosecutor na si Karadzic kasama ang yumaong Serbian president Slobodan Milosevic at Bosnian Serb general Ratko Mladic ang nagsabwatan para ubusin ang mga Muslim at Croat ng Bosnia sa mga teritoryong inaangkin ng Serb matapos bumagsak ang Yugoslavia noong 1991.

Si Karadzic kapansin-pansing inakusahan bilang utak ng masaker noong Hulyo 1995 sa maliit na teritoryo ng Srebrenica sa silangang Bosnia, kung saan pinatay ng mga tropang Bosnian Serb ang halos 8,000 kalalalakihang Muslim at itinapon ang kanilang mga bangkay sa mga mass grave.

Bukod sa genocide, si Karadzic ay kinasuhan din sa 44-buwang pangaatake sa Bosnian capital ng Sarajevo, na nagtapos noong Nobyembre 1995 at ikinamatay ng 10,000 katao.

Inaasahang ilalabas ang hatol sa kalagitnaan ng 2015.

Inaresto si Karadzic sa isang bus sa Belgrade noong Hulyo 2008 habang nagpapanggap na isang faith healer at binuksan ang paglilitis sa kanya ng Oktubre nang sumunod na taon.

Sa kanyang opening statement noong Marso 2010, sinabi niya sa mga hukom na ang mga kasamaan noong digmaan na isinisisi sa Bosnian Serbs ay “staged” ng kanilang mga kalabang Muslim at ang Srebrenica massacre ay isang “myth.”