Sylvia-Sanchez-copy1

DIRETSONG inamin ni Sylvia Sanchez na kailangan niyang magpahinga at harapin ang iba pang mga bagay na medyo napabayaan niya simula nang mapasama siya sa Be Careful With My Heart. Sey ng aktres sa farewell prescon ng show last Thursday night, sa loob ng mahigit dalawang taong pagiging mainstay niya sa programa ay may mga obligasyon siya bilang ina at asawa na hindi niya nagagawa. Kaya sa pagtatapos ng BCWMH sa November 28, pamilya naman ang aasikasuhin niya.

“After po nito, gusto ko munang magpahinga nang at least two to three months. Tutok muna ‘yung panahon ko sa asawa at mga anak ko. Kasi for two years, nandito ako. May mga oras po talaga na hindi kami nagkikita ng mga anak ko,” medyo napapaluhang pahayag ng magaling na aktres. Kasabay ng pagpapahinga niya ng mahigit sa tatlong buwan ay may aayusin din siya sa negosyo kasama ang asawa niya. “So by March maaaring babalik na po ako, pahinga muna ako. Kaya sana by that time, eh, mahaba na rin ang buhok ko,” say pa niya.

Nagpaikli ng buhok si Sylvia para sa role niya bilang tomboy na ina ni John Lloyd Cruz sa The Trial na may playdate na next month. Kasama nila sa Star Cinema movie sina Gretchen Barretto at Richard Gomez.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Maganda ang role ko sa pelikula, medyo kakaiba. Kasama rin namin sina Vice de Jesus, Vivian Velez, at Jessy Mendiola directed by no less than Chito Roño. Bongga, di ba?” sey pa ni Ms. Sylvia Sanchez. Bukod sa Be Careful With My Heart at The Trial, kasama rin si Sylvia sa seryeng Pure Love bilang ina naman ng anak niyang si Arjo Atayde na isa sa mga bida nito.