Setyembre 27, 1988 itinatag ng Nobel laureate na si Aung San Suu Kyi ang partido pulitikal na National League for Democracy, bunsod ng pagpigil ng Burmese military junta sa mga aktibistang nakipaglaban para sa demokrasya sa “8888 Uprising,” na sumiklab noong Agosto 8, 1988. Isinusulong ng partido ang pagkakaroon ng demokratikong interim government at paglusaw sa sistemang sosyalista ng bansa.

Sa “8888 Uprising” ay sumiklab ang malawakang protesta, galit na inihayag ng mamamayan ang kanilang pagkadismaya sa sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.

Bagamat nakopo ang mahigit 80 porsiyento ng electoral seats sa parliamentary elections noong Mayo 27, 1990, hindi kinilala ng junta ang pagkakapanalo ng partido, at ipinakulong pa ang karamihan sa miyembro nito.

Opisyal na hinalinhan ang military junta ng isang halal na parlamento noong Marso 30, 2011, bilang paunang hakbang para sa isang “discipline-flourishing democracy.” Gayunman, hawak pa rin ng militar ang may 25 porsiyento ng parlamento ng bansa.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na