Pinaboran ng Department of Justice (DoJ) sa panukalang pagbuo ng special metropolitan political subdivision sa National Capital Region (NCR).

Sa isang legal opinion, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, ang House Bill No. 712, na nakabinbin sa Kamara at ipinanukala ni Caloocan Rep. Edgar Erice na nagsusulong ng pagbuo ng Metropolitan Manila Regional Administration (MMRA) ay pinahihintulutan ng batas.

Ang MMRA ay magsisilbing bagong political unit na may kapangyarihan din na bumuo ng mga ordinansa para sa mga residente ng NCR Iginiit ni de Lima na sa ilalim ng Section 11, Article X ng 1987 Constitution ay pinapayagan ang Kongreso na bunuo ng special metropolitan political subdivisions na idaan naman sa isang plebisito.
Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara