Halos abot kamay na ng Gilas Pilipinas ang matamis na paghihiganti subalit hindi nila nagawang isustena sa huling apat na minuto ang laban upang pataubin ang kontrapelong Islamic Republic of Iran, 63-68, sa Group E ng basketball event sa pagpapatuloy ng 17th Asian Games sa Hwaseong Sports Complex Gymnasium.

Bitbit ang 7 puntos na abante, 60-53, hindi napigilan ng Pilipinas ang 8-0 atake ng Iran na inagaw ang pamumuno mula sa isang tres ni Mahdi Karnrani, 60-61, tungo sa muling pagkalasap ng masaklap na kabiguan.

Huli pang inagaw ng Pilipinas ang abante sa 63-61 mula sa split freethrow ni Paul Lee at kumpletong freethrows ni Gabe Norwood tungo sa huling dalawang minuto subalit hindi na nagawa pang makaiskor upang mahulog sa kartadang 1-1 (panalo talo) sa Group E.

Bunga ng kabiguan, makakasama ng Pilipinas sa matinding Group A ang host Korea, Kazakhstan at Japan habang sasampa sa Group Bang Iran.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Samantala, nagwagi naman ang dalawa sa apat na Pilipinong boxer na nakatakdang sumabak kahapon.

Nagwagi sa men's flyweight (52kg) sa Round of 32 sa Seonhak Gymnasium si Ian Clark Bautista kontra kay Abdallah Maher Mohammad Shamon ngJordan sa iskor na 3-0, (29-26, 29-25 at 29-27).

Nanalo di sa men's middleweight (75kg) sa Round of 32 si Wilfredo Lopez kontra kay Aziz Achilov ng Turkmenistan via split decision, 2-1, (29-28, 29-28 at 29-28)

Nakatakda pang sumabak sa men's light fly (46-49kg) sa Round of 32 si Mark Anthony Barriga kontra kay Hussin Al masri ng Syria at sa men's light welter (64kg) sa Round of 32 si Dennis Galvan kontra kay Chinzorig Baatrusukh ng Mongolia.