BEA-Alonzo-ITV

NAKATSIKAHAN namin si Direk Jerome Pobocan sa hallway ng ELJ Building ng ABS-CBN at inalam namin kung sino ang nagdirek ng love scene nina Bea Alonzo at Paulo Avelino napanood noong nakaraang Biyernes sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Napangiti si Direk Jerome at sabay sabing, "ako po" at kaagad namin siyang binati dahil na napakaraming nagandahan sa pagkakakuha ng eksena at alagang-alaga si Bea.

Nagpasalamat din naman kaagad ang direktor sa feedback namin.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

May part two ba ang love scene nina Bea at Paulo dahil maraming viewers nga ang nabitin?

"Ha-ha-ha, tingnan po natin, siguro po magkakaroon," masayang sabi ni Direk Jerome.

Nang banggitin daw ni Direk Jerome kay Bea na kailangang may love scene sila ni Paulo ay hindi naman daw nagreklamo ang magandang aktres.

"Actually, madaling kausap si Bea, she's very cooperative kasi maraming suggestions, tinanong namin kung okay lang na gawin niya 'yung ganito o ganyan, sabi niya,' ay nagawa na namin ni Lloydie (John Lloyd Cruz) 'yan, Direk' . So para maiba naman, sinagest nga namin itong nakapatong siya kay Paulo at sabi nga niya, 'okay 'yan, Direk, hindi ko pa nagagawa 'yan', so sakto, ganu'n nga ang 'pinagawa

namin.

"Sobrang saya kasi okay sina Bea at Paulo, walang arte, magaling, isang take lang with different angles," pahayag ni Direk Jerome.

Bago kami nagpaalam kay Direk Jerome ay inulit namin na dapat ay may part two, "Ha-ha, tingnan po natin," say niya.

In fairness, inabangan talaga ang nasabing love scene nina Bea at Paulo kaya humataw sa national TV rating (16.6%) kumpara sa nakuha ng pagtatapos ng katapat nitong programa sa GMA (Ang Dalawang Mrs. Real, 15.5%).

Bukod sa national TV ratings, humataw rin ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa social networking sites. Sa Twitter, naging nationwide trending topic ang official hashtag na #SBP AKAlab at worldwide trending

topic naman si Paulo.

Inaabangan ng viewers ang mas maiinit na eksena sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngayong unti-unti nang nalalantad sa lahat na si Rose (Bea) ay nagpapanggap lamang bilang ang yumaong abogadong si Emmanuelle. Excited ang followers ng serye kung paano haharapin ni Rose ang kanyang pamilya at ang mga taong sumira sa buhay niya.

Samantala, ngayong araw lilipad sina Paulo at Maricar Reyes para sa espesyal na Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional para sa Penafrancia Festival sa Bicol. Ito ay gaganapin sa SM City Naga parking lot, sa ganap na alas kuwatro nang hapon.