CAMP MACABULOS, Tarlac City – Puspusan ang follow-up operation ng pulisya sa kaso ng robbery extortion na iniulat ng isang negosyante sa Zamora Street, Barangay San Roque sa Tarlac City, na natangayan ng malaking halaga ng isang nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa report ni PO3 Jeffrey Alcantara, sinabi ni Alfredo Cayabyab, 33, ng nasabing barangay, na nagbigay siya ng P30,000 noong Setyembre 9, 2014 na sinundan ng P40,000 nitong Setyembre 13.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap umano ng text message ang biktima mula sa isang nagpakilalang miyembro ng NPA at humihingi ng revolutionary tax.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20