blind-copy-copy

NAKAKUWENTUHAN namin ang isang beteranong aktor na nanood ng “The Naked Truth” fashion show ng Bench. Tulad ng napakarami pang ibang nanood, aliw na aliw siya sa ginawa ng mga rumampang celebrity.

Kaya pinagpipistahan din sa social media ang nagseseksihang pictures ng mga artistang kasama sa show.

Nagpakita ng puwet si Jake Cuenca na ang harapan ay bukod tanging kulay itim na tela lang ang nakatakip.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Patok din sa Internet ang tinilian ng mga manonood na si Tom Rodriguez na ibinaba ang suot na underwear.

Hindi rin nagpakabog at pinapipistahan pa rin hanggang ngayon sa social media ang ginawa naman nina Martin del Rosario at Markki Stroem na may dinudukot sa loob ng kanilang underwear.

Marami pang male celebrities na hindi nagpakabog at may kanya-kanyang kadramahan habang rumarampa at pati ang mga babaeng artista ay nagpakita rin ng kaseksihan.

Ang ikinalungkot lang ng beteranong aktor na kausap namin, pati ang mga bata o menor de edad ay naaaliw ngayon sa paulit-ulit panonood ng pictures na nagkalat sa social media.

“Kahit anong pigil, hindi naman p’wedeng itago ‘yan dahil open ‘yan sa lahat sa Internet. Maraming mga nagsi-share sa social media accounts kaya hindi kataka-taka na ang pangmatandang kuwentuhan at palabas, pati mga musmos ay nakikisali na rin,” sey ng beteranong aktor.

Ikinuwento rin niya ang pagkagulat niya nang pumasok siya sa comfort room ng MOA Arena nang ganapin ang nasabing fashion event.

“Sobrang dami ng mga lalaki na nagpakababae, na walang ginawa kundi labas-pasok sa CR at ang iba pa, eh, naglalagay ng makeup at kasabay pa ng harutan at pinag-uusapan ang mga napapanood nila,” banggit ng aktor na may anak na kasali sa nasabing show.