Dalawa ang patay habang lima ang sugatan nang magbanggaan ang dalawang sports utility vehicle (SUV) sa C5 flyover sa Pasig City, noong gabi ng Sabado.

Sa ulat ni Chief Insp. Renato Castillo, ng Vehicle Traffic Investigation Unit ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang isa sa nasawi na si Sonny Cristobal, 45, ng U29 Admiral TY Townhomes, South Admiral, Parañaque City.

Inoobserbahan naman sa pagamutan sina Wilson Cristobal, 48, ng 27 Paltok Street, Barangay Pansol, Balara, Quezon City; Jessie Faune Jr., anak nitong si Sandra Yvonne, 16; Melquiades Saringan; at isang hindi pa nakilalang lalaki.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Carlito Guillarte, nangyari ang aksidente dakong 8:30 ng gabi sa C5-Ortigas Flyover sa Barangay Ugong, Pasig City, nang bumangga sa center island ang Mitsubishi Pajero (BXR-512) na minamaneho ni Cristobal saka sumalpok sa Toyota Fortuner ni Yamson. Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, sinabi ng mga testigo na tumaob ang Pajero.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Masusing iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente upang mabatid kung nakainom ng alak ang driver ng Pajero dahil may nakitang bote ng beer sa loob ng sasakyan.