Ni JC Bello Ruiz

BOSTON - “Welcome to your home.”

Tulad ng naranasan ng kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986, inaasahang mainit na pagsalubong ang naghihintay kay Pangulong Benigno S. Aquino III sa kanyang pagdating sa siyudad na nagsilbing pangalawang tahanan ng pamilya Aquino habang nakikibaka sa rehimeng Marcos noong dekada 80.

Natakdang dumating si Aquino sa Boston dakong 9:30 ng gabi noong Sabado (oras sa United States) mula Berlin, Germany.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sa mga nakaraang panayam, maging si PNoy ay aminado na ang pinakamaliligayang alaala niya ay ang nagkasama-sama ang kanyang pamilya sa Boston matapos payagan ang kanyang ama na magtungo sa Amerika upang sumailalim sa heart surgical operation.

Emosyonal si Leticia Hermosa, national president ng Philippine Nurses Association of America, nang magbalik-tanaw sa mga panahon ng pamamalagi ng pamilya Aquino sa Boston, kung saan naninirahan ang nurse simula dekada 70.

“Alam n’yo naman, nagiging emosyonal ako dahil malapit sa puso ng mga Aquino ang Boston.

Sabik na sabik na ang mga Pinoy sa kanyang pagbisita dito,” pahayag ni Hermosa.

Nakabase sa Westwood, Massachusetts, aminado si Hermosa na ikinalungkot niya ang sinapit ng ama ni PNoy na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong panahon ng diktaduryang Marcos.

“When Benigno the father went home he really has very, very strong feelings about doing a good job in the Philippines. And unfortunately the unfortunate thing happened,” she said.

Subalit kabilang si Hermosa sa nakahalubilo ni Ginang Aquino sa pagbisita nito sa Boston noong Setyembre 1986 matapos maluklok sa Malacanang sa pamamagitan ng EDSA People Power Revolution noong Pebrero 1986.

Sa mga nakaraang panayam, aminado si PNoy na itinuturing niyang pinakamasayang panahon sa kanyang talambuhay ay nang magkasama-sama ang kanyang pamilya sa Boston matapos payagan ng noo’y Pangulong Marcos si Ninoy na magtungo sa Amerika upang magpaopera sa puso.

Magkakaroon ng pagkakataon ang Filipino-American community mula sa Boston at New York na makasama si PNoy sa Setyembre 21 (araw sa US) kung saan magaalay ng misa at susundan ng isang convocation sa Boston College.