Sa susunod na Synod of Bishops on the Family na itinakda ng Vatican ngayong Oktubre, maaaring masaksihan natin ang komprontasyon ni Pope Francis na umaasang baguhin niya ang sinauna nang institusyon laban sa mga tradisyunalista na nasa hanay ng mga kardinal at iba pang mga leader ng simbahan.

Mula nang mahalal siya sa pagkapapa, ipinakita ni Pope Francis na hindi siya nakahulma tulad ng mga nauna sa kanya. Agad niyang nilabag ang tradisyon nang pinili niyang mamahay sa Vatican guest house sa halip na sa papal residence sa Apostolic Palace. Pinamunuan niya ang mga seremonya ng Huwebes Santo kung saan nakabilang sa kanyang mga hinugasan ng paa ang dalawang babae. Pinalitan niya ang mga opisyal ng Vatican bank habang isinusulong niya ang mga pagbabago sa operasyong pananalapi ng Simbahan. Noong Mayo, inanyayahan niya sa Vatican ang Muslim at Jewish leader upang manalangin para sa kapayapaan para sa Middle East.

Lulan ng eroplano pauwi sa Holy Land, tinalakay niya ang mga posibleng pagbabago sa tradisyon ng hindi pag-aasawa ng mga pari sa Simbahan na ngangailangan ng mas maraming pari dahil sa lumolobong kawan. Maaaring isa ito sa mga isyu na tatalakayin sa susunod na Synod of Bishops on the Family.

Ang pinakahuling kontrobersiya ay ang kasal na idinaos sa St. Peter’s Basilica, ang pagbabasbas ng Papa sa 20 magkakapareha na matagal nang nagsisipag-live in – ibig sabihin, “nagsasama sa kasalanan”, ayon sa batas ng Simbahan – na kabilang ang isang single mother. Sinabi ng Papa na ang Simbahay ay kailangang mag-“accompany... not condemn” sa mga nagibang kasal. Nanawagan ang German na si Walter Cardinal Kasper para sa mas “merciful approach” sa muling pag-aasawa na mga Katoliko na nagnanais na tumanggap ng komunyon.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Limang nangungunang Katoliko, kabilang si Gerard Ludwig Cardinal Muler, ang prefect ng Congregation for the Doctrine of the Faith, ang naglabas ng isang aklat kung saan pinanatili nila na malinaw na ipinakikita ng Bagong Tipan na hindi pinahihintulutan ni Jesus ang diborsiyo at muling pag-aasawa. Itinanggi nila ang “merciful answer” sa diborsiyo na inindorso ni Cardinal Kasper.

Ito at iba pang mga isyu ang inaasahang ilutang sa idaraos na Synod of Bishops pagkalipas ng dalawang linggo. Magiging napakahalagang okasyon ito na maaaring makaapekto sa pagkilos ng Simbahan sa susunod na mga taon.