DEREK Ramsay

Ni WALDEN SADIRI M. BELEN

MUKHANG madadawit ang mga dating kasintahan ni Derek Ramsay na sina Solenn Heusaff, Cristine Reyes at Angelica Panganiban sa kasong isasampa ng kanyang asawang si Mary Christine J.Ramsay.

Sa sulat ng abogado ni Christine na si Atty. Argee Guevarra kay Hon. Alfredo Mison, Commissioner ng Bureau of Immigration noong Sept. 15,2014, hinihingi niya ang "travel records" ni Derek atng kanyang mga dating kasintahan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nasasaad sa sulat ni Atty. Guevarra na ang travel records nina Derek at Solenn ay simula 2003 hanggang 2005, Cristine Reyes simula 2012 hang gang 2014 at Angelica Panganiban simula 2005 hanggang 2012.

Para sa "ongoing preliminary investigation" ni Derek Ramsay ang hinihinging mga dokumento ni Atty. Guevarra. Kaugnay umano ito sa kasong isinampa ng kanyang kliyente na si Mary Christine J. Ramsay na Violation of RA. 9262 or Anti-Violence Against Women and their Children Act sa Makati City Prosecutors Office.

Sa isang text message, "additional evidences against the concubines" daw ang hinihingi niyang mga travel documents sa BI.

Napag-alaman pa mula sa Reply Affidavit ni Mary Christine J. Ramsay laban sa kanyang asawang si Derek Ramsay na kasama ang Psychological Violence, Physical Violence at Economic Abuse na paratang sa aktor.

Nang tanungin kung magkano ang halagang hinihingi kung sakaling magkaroon ng settlement, tikom muna ang bibig ni Atty. Guevarra.