National Bureau of Investigation agents on Tuesday, September 2, inquest the three suspects grandeur Pepito guerrero y Gacutam, emmanuel san pedro y valencia and Sonny Yohanon y albares  At the DOJ in the foiled Sept. 1 NAIA Terminal 3 car bomb plot. a self-proclaimed anti-China group was behind the foiled attempt to smuggle improvised explosives into the NAIA(photo by ali vicoy)

Tukoy na ng Department of Justice (DoJ) ang grupo na “USAFFE” na pinamumunuan ng isang nagpakilalang “general”.

Ito ang inihayag ni Justice secretary Leila De Lima matapos ang pulong balitaan sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI), saan lumitaw sa imbestigasyon na malinaw na destabilisasyon ang inisyal na nakikita ng mga awtoridad kaugnay ng napigilang car bomb attack sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakalawa.

Dito tinukoy ni De Lima ang self-proclaimed general na si Grandeur Guerrero at mga kasamahan na sina Emmanuel San Pedro at Sonny Yohanan.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Sinabi ni De Lima, isinagawa ng grupo ang balak na pag-atake dahil dismayado sila sa paninindigan ng pamahalaang Aquino laban sa China dahil sa pagiging malambot sa usapin ng West Philippine Sea issue.

Batay sa dokumento na narekober ng NBI, hindi lang NAIA 3 ang balak atakehin ng grupo kundi maging ang Mall of Asia sa Pasay, Chinese Embassy at DMCI sa Makati.

Napag-alaman na plano ng grupo na ilunsad ang pag-atake noong Agusto 25, National Heroes’ Day, pero nabigo kaya inurong kamakalawa na naagapan naman ng NBI.

Mayroon pa umanong manifesto ang grupo na balak sanang babasahin kung nagtagumpay ang kanilang paglunsad ng pag-atake.

Sinampahan na ng kasong illegal position of explosives ang tatlong naaresto habang patuloy na pinagaaralan ang kasong conspiracy to commit terrorism.

Nabatid na apat na set ng improvised incendiary device (IID), na kinabibilangan ng mga plastic na bote ng softdrink na puno ng gasolina at binalot sa “Goodbye Philippines” (isang uri ng malakas na paputok), ang narekober ng mga awtoridad na ayon kay De Lima ay magdudulot ng biglaang sunog sa pinaglagyang sasakyan at maaring sumabog nang malakas.