Nikki, Piolo at Iza

KAHIT naglabasan ang mga negatibong balita tungkol sa Hawak Kamay na pinagbibidahan ni Piolo Pascual ay hindi nasiraan ng loob kundi lalo pang naging inspirado ang mga artista at ang mga namamahala ng naturang teleserye.

Ayon sa spy namin sa Dos, hindi nasiraan ng loob ang mga taong involved sa programa kahit nakarating na sa kanila na tatapusin na ang show. Pero ang latest, binigyan ng chance ang Hawak Kamay.

Ayon pa sa kausap namin, nagulat ang mga bossing ng ABS-CBN dahil patuloy na tumataas ang rating ng Hawak Kamay at last Friday nga raw ay nakapagtala ito ng pinakamataas na national rating na 30.4 percent kumpara sa katapat na palabas na papatapos na rin na nakakuha lamang ng 21 percent.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Siyempre, dahil sa napakalaking improvement sa rating ay ipinatawag agad ang bumubuo ng creative team ng drama show. Kaya malaki ang posibilidad na tuluy-tuloy pa ring mapapanood ng televiewers ang palabas.

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga artistang kasama sa show na pinangungunahan nina Piolo, Iza Calzado at ang child wonders na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Andrea Brilliantes, Juan Karlos Labajo at Lyca Gairanod.