Umalis na kahapon ng umaga pabalik sa United States ang manlalaro ng National Basketball Association (NBA) na si Shawn Marion, at sa kanyang paglisan, babaunin niya ang naging mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.

“It’s been an amazing experience. I’m glad I came out here. The Filipinos have shown me so much love. The Philippines is an amazing country. I saw so much and I’m looking to see more hopefully in the near future,” ani ng four-time All-Star sa isang eksklusibong panayam sa Balita kamakalawa ng gabi.

Dagdag ni Marion, na kamakailan ay lumagda sa Cleveland Cavaliers para sa susunod na season, hindi na niya ikinagulat ang popularidad ng basketball, partikular ng NBA, sa bansa.

“Basketball, particularly the NBA, has become global. It has become a culture that bridges people. Before I came here, I already know how big the sport is and for me to experience that is truly amazing,” saad ni Marion.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Marion ay dumalaw sa bansa para pangunahan ang isang basketball clinic sa Legazpi City at upang ikalat ang mensahe tungkol sa negatibong naidudulot ng hazing at bullying sa kabataan.

“When I went to Legazpi, I was expecting that I’ll be leading a clinic for about 30 participants. But when we got there, about 10,000 kids were waiting and all excited to see. It’s great. I’m glad I got to share my time with them,” pahayag ni Marion, na kilala rin sa NBA bilang “The Matrix”.

Bukod dito, lumahok din siya sa isang celebrity poker tournament upang makakalap ng pondo para sa patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda” noong nakaraang taon.