Alex & Toni Gonzaga

ANG akala namin ay tuluyan nang papalitan ng makapatid na Toni at Alex Gonzaga sina Boy Abunda at Kris Aquino sa Aquino and Abunda Tonight. May text message kasi kaming natanggap na gagawin na itong “The Gonzaga Sisters Talk Show”.

Ilang linggo na kasing hindi napapanood sa show si Kuya Boy na kasalukuyang nagpapagaling pagkatapos ng kanyang operasyon. Tiyempo namang hindi rin nakasipot ang Queen of All Media sa programa last Tuesday dahil nagkasakit pagkatapos ng kanyang ALS Ice Bucket Challenge.

Sa totoo lang, mukhang napakalakas nina Toni and Alex Gonzaga sa ABS-CBN management. Kaliwa’t kanan ang programa nila at in fairness din naman, kering-keri nilang mag host ng kahit anong show.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Anyway, nakabalik na si Kris sa evening show na laging inaabangan ng showbiz followers pero hindi pa rin niya makakasama si Kuya Boy na balita namin ay medyo pumayat kaya unti-unti nang bumabawi ng kain para maibalik ang pangangatawan.

“Malay natin, this week or next week, eh, mapapanood na natin muli si Kuya Boy sa The Buzz at siyempre, sa evening talk show nila ni Kris,” sey ng taong malapit kay Kuya Boy na mahal ng lahat.

Pero we heard na sa pagbabalik telebisyon niya ay hihilingin daw niya sa network na bawasan ang kanyang regular shows.