Mark Cruz (9) of Letran against Juneric Baloria (16) and Joel Jolangcob (18) of Perpetual.   Photo by Tony Pionilla

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

12 p.m. EAC vs JRU (jrs/srs)

4 p.m. San Sebastian vs Mapua (srs/jrs)

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Makisalo sa University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) at College of St. Benilde (CSB) sa ikalawang posisyon ang tatangkain ng season host Jose Rizal University (JRU) sa kanilang pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College (EAC) sa second round ng NCAA Season 90 seniors’ basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2:00 ng hapon ang muling pagtatagpo ng Heavy Bombers at Generals habang magsasalpukan naman ang dalawang koponan na kasalukuyang nasa ilalim ng team standings na San Sebastian College (SSC) at Mapua sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Magtatangka ang Heavy Bombers na makabawi mula sa natamong 77-84 overtime loss sa Letran.

Bukod dito, sisikapin din nilang makapagposte ng mas kumbinsidong panalo kumpara sa niatalang 81-79 na panalo kontra sa Generals nang una silang maglaban sa first round.

Sa kabilang panig, magsisikap naman ang Generals na makabawi sa nasabing kabiguang nalasap sa Heavy Bombers na siyang huling laban nila noon sa first round upang makasalo ang Letran sa ikalimang posisyon at patuloy pang buhayin ang tsansang humabol sa huling berth sa Final Four.

Nais din nilang bumangon mula sa unang kabiguan na nakamtan sa pagsisimula ng kanilang second round campaign sa kamay ng St. Benilde Blazers upang makaahon sa kinalalagyang ikaanim na posisyon na taglay ang barahang 3-7.

Samantala, sa tampok na laro, makaahon sa kinasadlakang walong dikit na pagkatalo ang target ng San Sebastian College (SSC) sa muli nilang pagtutuos ng Mapua na nakatikim naman ng nag-iisang panalo sa first round.

Bukod sa hangad na tapusin ang mahabang losing skid, nais din ng Stags na bawian ang Cardinals sa ipinalasap na 89-81 pagkatalo sa first round.