TARGET ng Department of Health-National Capital Region Office (DoH-NCRO) ang isang worm-free na Metro Manila.

Kaugnay nito, magdaraos ang DoH-NCRO ng mass deworming activity sa Setyembre sa lahat ng health center, day care center at paaralan sa rehiyon.

Magkakaroon din umano ng door-to-door deworming campaign sa iba’t ibang komunidad.

Binalaan din naman ng DoH-NCRO ang mga residente laban sa Soil-Transmitted Helminthiasis (STH) o mas kilala sa tawag na intestinal worms na naita-transmit sa tao sa pamamagitan ng contaminated soil.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Ayon kay Health Undersecretary Teodoro Herbosa, sinisira ng mga naturang intestinal worm ang lagay ng nutrisyon ng apektadong bata at nagiging sanhi ng diarrhea, pagkawala ng gana sa pagkain, at intestinal bleeding na kung minsan ay maaaring magresulta sa kamatayan kung hindi maaagapan.

“We need to protect our children against these intestinal worms by bringing them to the nearest health center so that they can be given free deworming tablets. These should be done every six months or twice a year for three consecutive years then once a year thereafter,” ani Herbosa sa Stakeholder’s Forum on Integrated Helminth Control Program sa Citystate Tower Hotel, sa Malate, Manila.

Aniya pa, ang soil-transmitted infections ay isa sa Neglected Tropical Diseases (NTD) sa bansa at makikita rin sa mga lugar na walang kalinisan.

“It remains a public health concern even in rural areas where children 1-12 years old are usually the victims. Their health & development is significantly affected causing decreased physical activity & poor performance in school,” dagdag pa ni Herbosa.

Tinukoy din ng DoH ang tatlong sanhi ng intestinal parasitism sa bansa at kabilang dito ang ascariasis o roundworm infection, trichuriasis o whipworm infection at hookworm infection.