James Reid at Nadine Lustre

PUMIRMA na ng kontrata sa ABS-CBN ang magka-love team na sina James Reid at Nadine Lustre. Usap-usapan na niligawan nang husto ng GMA-7 ang dalawa through Boss Vic del Rosario pero hindi raw pabor ang huli sa mga gagawin ng dalawa sa Kapuso Network.

Ayon sa source namin, mas maganda ang plano ng Dos para kina James at Nadine at wala raw naman sa plano nila na itapat sila sa tambalan naman nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Katunayan, may plano ang Dos na pagsamahin sa isang proyekto ang dalawang love team kaya ngayon pa lang ay maugong nang may gagawin silang pelikula sa Star Cinema.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon pa sa source, bago pumirma ng exclusive two-year contract sina James at Nadine sa Kapamilya Network ay una na silang inilako sa GMA-7 ng namamahala sa career nila. In fact, nakapag guest na raw ang dalawa sa ilang show ng Siyete.

Dagdag pa ng source, may mga nakialam daw sa negosasyon at si James lang daw ang bibigyan ng exclusive contract ng Siyete. Siyempre, umalma ang Viva management dahil bini-build-up nga naman nilang magka-loveteam ang dalawa.

Hindi rin pumayag ang company ni Boss Vic na magiging katulong ng Viva ang GMA Artist Center sa pagpapasikat kina James Reid at Nadine Lustre.

“Sa totoo lang naman, mas sisikat nang husto ang tambalang James Reid at Nadine Lustre kung ABS-CBN ang mother network nila,” sey pa ng source namin.