Nora & Tirso

MAY ilang tagasuporta ng dating tambalang Nora Aunor at Tirso Cruz III na masamang-masama raw ang loob sa box office director na si Wenn Deramas. Ito ay may kaugnayan sa ipapalabas na bagong pelikula ni Direk Wenn na ang titulo ay ang kapareho ng pangalan ng pinakasikat na manika noong dekada 70, ang Maria Leonora Teresa.

Ang naturang manika na naging simbolo noon ng tambalang Guy and Pip ay naging iconic na.

Nakarating na kasi sa kaalaman ng mga tagahanga nina Nora at Tirso na tungkol sa “killer doll” ang pelikulang Maria Leonora Teresa. At hindi iyon matanggap ng ilang Noranians.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang Maria Leonora Teresa na ginawan din ng kanta ni Tirso Cruz III noon ay magmimistulang “Chuckie” sa pinakabagong horror movie ng Star Cinema na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria.

At ‘yun ang hindi matanggap ng mga tagahanga ni Nora.