Ginugunita ngayong Agosto 28 ng Simbahang Katoliko ang anibersaryo ng kamatayan ni St. Augustine noong AD 430 nang inatake ang Hippo (Annaba, Algeria sa kasalukuyan) kung saan siya obispo. Siya ay isang pre-eminent Doctor of the Church at patron ng mga Augustinian na isang religious congregation na ang aral at konstitusyon ay base sa pangaral ni St. Augustine. Ang kanyang imahe ay prominenteng naka-display sa pangunahing altar ng San Agustin Church sa Intramuros, Manila, na isang world heritage site na nasa pangangalaga ng Order of St. Augustine.

Sa pangaral na Katoliko, dating makasalanan si St. Augustine, na isang pasaway na kabataan na nagbalik-loob sa Diyos dahil sa walang patid na pananalangin ng kanyang inang si Sta. Monica. Nabinyagan siya, naging pari, naging obispo, at tanyag na manunulat, nagtatag ng kongregasyon, at naging isa sa pinakadakilang mga santo. Namuhay siyang banal, nagpakarukha at nagkawanggawa, tumulong sa maralita, at nanalangin hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang patron ng mga tagapangaral ng Salita ng Diyos at mga may sore eyes.

Bilang isang masipag na manunulat, sumulat siya ng mahigit 300 sermon, 500 liham, at marami pang lathalain sa iba’t ibang paksa. Dalawa sa kanyang klasikong obra – Confessions (isinulat noong 397-401 AD) at The City of God (413-427 AD) – na binabasa pa rin magpahanggang ngayon. Ang iba pang obra ay ang Explanations of the Psalms, On Christian Doctrine, On the Trinity, at Literal Interpretatin of Genesis.

Ang talino niya ay nakatulong sa paghubog ng Western Christianity. Karamihan sa kanyang mga pangaral ay halaw sa theology at philosophy. Tinawag siyang Doctor of Grace, sa pagiging isa sa pinakadakilang Fathers and Doctors of the Church, at kasama si St. Thomas Aquinas, isa sa dalawang pinakadakilang intelektuwal ng Simbahan. Si St. Augustine ang sumulat ng “Our hearts were made foryou, O Lord, and they are restless until they rest in You.”

National

Ka Leody, Luke Espiritu, tatakbong senador sa 2025

Isinilang noong Nobyembre 13, 354, sa Tagaste, Africa sa paganong ama at Kristiyanong ina na si Sta. Monica, nag-aral si St. Augustine noong 370 AD sa University of Carhage at kumuha ng rhetoric at law. Sumuko siya sa law upang tutukan ang kanyang interes sa literatura, inabandona ang kanyang pananampalatayang Kristiyano, at namuhay na makasalanan. Noong 384 AD, tinanggap niya ang pamamahala ng rhetoric sa Milan, nagbalik-loob sa pananampalatayang Kristiyano, at nabinyagan sa gabi ng Pasko ng Muling Pagkabuhay noong 387 AD.

Sa pagpanaw ni Sta. Monica, nagbalik siya sa Tagaste, ibinenta ang kanyang mga ari-arian, ibinigay ang napagbentahan sa maralita, at nagtatag ng isang monasteryo. Naordinahan siya noong 390 AD at nagtatag ng isang komunidad sa Hippo. Pagkalipas ng limang taon nailuklok siya bilang obispo at ginawang katuwang ng Obispo ng Hippo, na kanyang pinalitan sa sumunod na taon.