KUNG hindi pa sa pamamagitan ng medical mission na isinagawa para sa media friends ni Ahwel Paz, co-host ni Katotong Jobert Sucaldito sa programa nilang Mismo sa DZMM ay hindi namin malalaman na kailangan nang tanggalin ang malaking bukol namin sa likod, nang i-check ni Dr. Juan P. Sanchez, Jr. kilalang plastic surgeon na na-feature pa sa CNN dahil sa kanyang mobile hospital na libreng nanggagamot sa mga nangangailangan.

Paliwanag ni Dr. Sanchez sa amin, kailangang operahan na ito kaagad para hindi na lumaki at siniguro naman niyang 99.5% benign ito kaya nakahinga kami nang maluwag.

‘Yun nga lang, marami palang preparasyon ang kailangang gawin at higit sa lahat, Bossing DMB, pinagbawalan na kaming kumain ng baboy or any fatty foods. Nagulat kami na pinaiiwas din niya kami sa prutas, dahil mataas ang calories at sugar. ‘Kaloka, akala namin ay safe ang prutas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dalawang taon nang panata ito ni Papa Ahwel bilang birthday celebration, sa halip na magpa-party ay nagsasagawa siya ng medical mission katuwang ng Rotary Club of San Francisco del Monte na kinabibilangan ni Dr. Juan kasama ang kanyang Clinica Manila staff, at tumulong din ang Forma.ph online shopping para sa give-aways.

For the second year, muling naging big success ang medical mission ni Papa Ahwel.

Nakiisa at Sinuportahan din si Papa Ahwel ni Julius Babao sa medical mission na ginanap sa Dong Juan restaurant sa 72 Mother Ignacia, Quezon City.

Nagbigay aliw naman ang The Voice Kid finalist na si Earl at ang American Idol finalist na si Vanessa Quillao na isa sa mga araw na ito ay Star Records recording artist na.

Tuwang-tuwa ang mga kasamahan sa hanapbuhay sa libreng comprehensive medical check-up.

Sana’y laging gabayan at biyayaan ng ating Panginoong Diyos si Papa Ahwel para lagi siyang may mai-share sa mga kasamahan sa hanapbuhay.