Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. Adamson vs UE

4 p.m. Ateneo vs NU

Ikawalong panalo na magpapakatatag sa kanilang kapit sa solong pamumuno ang target ngayon ng league leader Ateneo de Manila University (ADMU) sa muli nilang pagsagupa sa National University (NU) sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 77 basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Tatangkain ng Blue Eagles, hawak ngayon ang barahang 7-2 (panalo-talo), na makapaghiganti sa nalasap nilang 60-64 pagkabigo sa Bulldogs nang una silang magtagpo noong nakaraang Hulyo 26 sa first round.

Ngunit tiyak namang hindi sila basta pahihintulutan ng Bulldogs na hindi naman nalalayo sa kanila sa kasalukuyang kinaluluklukang ikatlong puwesto na hawak ang kartadang 6-3 (panalo-talo).

“Sana we can start to build on this win, hopefuly magtuluy-tuloy na,” pahayag ni NU coach Eric Altamirano kasunod sa naitala nilang 74-50 panalo laban sa Adamson na nagbalik sa kanila sa winning track matapos ang dalawang dikit na kabiguan.

Una rito, kapwa nagbuhat sa mahabang losing skid, partikular ang Adamson na winless pa rin matapos ang siyam na laban, inaasahan din ang matinding dikdikan sa pagitan ng Falcons at UE Red Warriors sa pambungad na laban sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Galing naman sa 78-73 panalo kontra sa season host University of the East (UE) na nagbalik din sa kanila sa winner’s cicrcle, makaraang mabigo sa kanilang archrival at defending champion De La Salle University (DLSU), umaasa naman ang Blue Eagles na magagawa nilang makabawi sa NU ngayong second round.

Muli, magiging sandigan ng Blue Eagles sa pagpapanatili sa kanilang pamumuno ang leading MVP candidate na si Keifer Ravena, Chris Newsome, Von Pessumal, Nico Elorde at Fonso Gotladera.

Tiyak namang tatapatan sila, sa panig ng Bulldogs, nina Gelo Alolino, Glenn Khobuntin, Alfred Aroga at Troy Rosario.