Ipinababasura ng ilang kongresista ang No Permit No Rally policy ng gobyerno.

Naghain ng panukala sina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate na nagpapawalang-saysay sa Batas Pambansa Blg. 880 na nag-oobliga sa mga tao na kumuha muna ng permiso mula sa mga awtoridad bago sila makapagtipon at magdaos ng protesta.

Sa House Bill 3668 (The Freedom of Expression Act of 2013) nina Colmenares at Zarate, ipinagbabawal ng panukala ang pakikialam ng awtoridad sa ginagawang pagtitipon ng mga tao, at pinatitiyak sa kanila na siguruhin ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang responsableng pulis na ang contingent ay dapat na may 200 metro ang layo mula sa lugar ng aktibidad.

“The Marcos-period Batas Pambansa Bilang 880 has been the convenient excuse for state forces to suppress otherwise peaceful demonstrations,” giit ng dalawang militanteng mambabatas.
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’