Steve Ballmer

LOS ANGELES (AP)– Pawisan, pumapalakpak at sumisigaw hanggang mamaos, ipinakilala ni Steve Ballmer ang sarili sa fans ng Los Angeles Clippers sa isang rally kahapon upang ipagdiwang ang kanyang pagiging bagong may-ari ng NBA team.

Nagbayad ang dating Microsoft CEO ng rekord na $2-bilyon para sa koponan sa isang bentahan na kinumpirma ng isang korte sa California noong nakaraang linggo.

Ang pangalan ng dating may-ari na si Donald Sterling, na pinamunuan ang koponan sa loob ng 33 taon bago pinatawan ng lifetime ban ng NBA dahil sa kanyang racist remarks, ay hindi nabanggit ang pangalan habang ginaganap ang event.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

‘’We’re looking forward,’’ ani Ballmer. ‘’Everything is about looking forward.’’

Ang kaalaban ni Ballmer ay ibangiba kay Sterling, na hindi nakikipag-usap sa media at ubod ng tipid pagdating sa paggastos sa koponan sa ilang dekada ng kanilang pagkatalo, ito ay kahit pa yumaman siya sa real estate.

‘’Today is about this other guy who just happened to have two billion dollars in his pocket,’’ pagbibiro ni coach Doc Rivers sa ibabaw ng entablado. ‘’I asked him are you sure it went through and he said, ‘I know my bank account is minus two billion so I know something went through.’’’

Ibinigay ni Ballmer ang kanyang email address sa kalagitnaan ng televised rally at siniguro sa fans na hindi niya ililipat ang koponan sa Seattle na kanyang naging tirahan sa loob ng 34 taon. Muntik na rin siyang maging NBA owner noong nakaraang taon bago nagdesisyon ang league owners na panatilihin ang Kings sa Sacramento imbes na payagan itong maibenta sa isang grupo na kinabilangan ni Ballmer at ilipat ito sa Seattle.

‘’I love Los Angeles,’’ aniya. ‘’Yes, I live in Seattle. We’re not moving the Clippers to Seattle for a hundred reasons.’’