Sarah-copy

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nagkakaayos uli ang mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine.

Sabi ng aming very reliable source, masama pa rin ang loob ni Sarah sa ina nang matigas itong tumutol sa nakaplanong pagsama ng dalaga sa boyfriend na si Matteo Guidicelli sa isang sports event na ginawa sa Cebu City a few weeks ago.

Ayon sa source, handang-handa na si Sarah para sa naturang event na sasalihan ni Matteo pero kung anu-anong mga pananalita raw ang binitawin ng ina to the point na halos nagkasumbatan na ang dalawa.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Mahabang-mahaba ang naging sagutan ng mag-ina at susuwayin na sana ni Sarah ang desisyon ng ina, pero biglang may tumawag sa popstar princess na isang taong malapit sa kanya kaya napilitan na lang ito na huwag nang tumuloy.

Pero sa tindi raw ng pagkadismaya ni Sarah ay ibinagsak ng dalaga ang mga dala-dalang kagamitan na dadalhin sana niya sa kanyang pagbiyahe patungong Cebu at pumasok sa kuwarto at nagkulong.

Ang siste, dagdag pa ng source namin, halos isang araw na hindi lumabas si Sarah na kahit na sino pa ang tumawag sa kanya para kumain ay ni hindi umimik ni katiting man ang sikat na singer/actress.

Sabi pa ng source namin, dahil doon ay nagkasakit si Sarah. Gayunpaman, dedma lang ang kanyang ina sa nangyari at sa kanya, huh!