Isabelle_-banner-copy

SAYANG at wala si Isabelle Daza sa grand presscon ng Somebody To Love dahil napasabay ang event sa taping ng kanyang isang show.

Si Isabelle kasi ang gumaganap na “bed buddy” ni Matteo Guidicelli sa pelikula na idinirek ni Jose Javier Reyes for Regal Entertainment na mapapanood na sa Miyerkules, Agosto 20.

Lahat kasi ng dumalo sa presscon tulad nina Kiray Celis,  Nathalia  Hart, Alex  Castro, Albie Casino, Matteo Guidicelli at Iza Calzado ay tinanong kung nakaka-relate sila sa karakter nila sa Somebody To Love.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Interesting sanang itanong kay Isabelle kung paano siya nakaka-relate sa karakter na ibinigay sa kanya ni Direk Joey Reyes bilang parausan ng karakter ni Matteo. Hindi namin personal na kilala si Isabel, pero bilang anak ng dating beauty queen na si Ms. Gloria Diaz ay alam ng lahat na may breeding ang dalaga kaya imposibleng pumayag siya sa relationship na sex lang ang importante.

Pero base sa pagkakaalam namin ay mukhang hindi type ni Isabelle ang lalaking kaedad o mas bata sa kanya dahil ang karelasyon niya ngayon ay mas may edad sa kanya at isang French businessman. 

Napanood namin si Isabelle sa pelikulang It Takes A Man and A Womanbilang third party at ang masasabi namin ay kailangan pa niyang mag-work shop para mag-improve ang acting niya lalo’t tulad nina John Lloyd Cruz atSarah Geronimo ang kasama niya na parehong mahusay umarte.

Siguro naman dito sa Somebody To Love hindi natabunan ang acting niya ni Carla Abellana na gumaganap namang karibal niya kay Matteo. Mapanood nga!