Nadine-Lustre-550x509

HINDI na lang pinapasin ni Nadine Lustre kung siya’y nakakatanggap ng maraming hate messages mula sa bashers at fans ng KathNiel na nagbibintang sa kanya ng panggagaya raw kay Kathryn Bernardo.

“Opo, sinasabi nila na copycat ako, pero I don’t get affected  naman,” pahayag ni Nadine sa presscon ng Talkback And You’re  Dead ng Skylight-Viva Films.

Sabi pa ni Nadine, hindi naman daw niya sinasadyang kopyahin ang iniidolo ng maraming fans na si Kathryn.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Nagkataon lang siguro na meron kaming parehong features, sa buhok, sa pananalita....” depensa  ng young actress. “A lot of people naman say na I don’t (look like Kathryn), siguro in some angles lang. I really don’t bother naman,” nakangiti niyang sabi.

Pero kung minsan sa kanyang pamamasyal sa malls, napagkakamalan siyang si Kathryn.

“Tinatawag nila ako, ‘Oy, si Kathryn, pa-picture naman. Hindi naman ako nao-offend, it’s just that I felt bad for the person, baka ma-disappoint ‘yung tao, kasi hindi nga ako ‘yun,” rebelasyon ni Nadine.

Sa isang banda, mas tinitingnan ni Nadine ang aspetong mas makakatulong sa kanilang career o loveteam ni James Reid ang pagkukumpara sa kanila ng fans kina Daniel Padilla at Kathryn.

“Ang advantage nu’n is people comparing you sa level ng KathNiel, mataas na level ‘yun and for us to be compared to that kind of level, it’s very flattering,” sabi ng magandang young star.

May effort na tuloy siyang ilayo ang kanyang itsura kay Kathryn para magkaroon siya ng sariling identity.

“Oo naman. Sa hair, binabago ko ang styling, everything. Siguro, sa features lang kami nagkakahawig. Kasi, parang halos pareho,” sey ni Nadine.

Ang hindi alam ng KathNiel fans, maging si Nadine ay aware sa kasikatan nina Daniel at Kathryn at maging siya rin ay kinikilig sa number one love team ng bayan.

“Yeah, nakakakilig naman talaga sila. Even my friends kinikilig naman talaga sa kanila, like ‘yung mga 20 years old, 21, 22? I’m supposed to watch She’s Dating a Gangster but I don’t have time,” pahayag pa ni Nadine.