Julia-Montes-550x442

NAPAG-USAPAN sa isang panayam kay Julia Montes ang gusto niyang maging boyfriend balang araw.

Sabi ng teen actress, ang gusto niya sa lalaki ay may sense of responsibility kahit na hindi masyadong guwapo.

“Gusto ko ‘yung responsible, family oriented at siguradong mamahalin ako. Siyempre, lahat naman ng babae gusto ‘yung ikaw ang mamahalin. Simple lang, no physical attraction. Hindi kasi ako masyadong tumitingin sa pisikal na aspeto pero du’n sa responsable at husband-material,” giit ni Julia.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Mas gusto niya na walang kinalaman ang guy sa mundo ng showbiz na kanyang ginagalawan.

“Hindi ko alam, eh, pero selosa ako, eh, so siguro let’s see... mukhang hindi ko yata kaya ang showbiz (guy). Siyempre hindi ko kaya na makita na sweetie-sweetie sa ibang babae and hayun, mahirap, iba ‘yung feeling.”

Bagamat sinasagot ni Julia ang mga katanungan tungkol sa pakikipagrelasyon, para sa kanya ay malayo pang mangyari ang bagay na ito sa buhay niya. Dahil gusto muna niyang i-enjoy ang pagiging single.

“Single, kasi work muna ‘tapos masyado pang maaga. Kumbaga, wala pa rin namang right guy para pasukin ‘yung mga gano’ng relationship. ‘Pag dumating, dumating... ‘pag hindi, huwag muna, huwag i-rush ang mga bagay-bagay,” katwiran niya..

Kabilang si Julia sa unang bahagi ng master-seryeng Ikaw Lamang na natapos sa pagpanaw ng character niya at ngayo’y may mga bagong karakter nang pumasok.

“Super saya dahil naging parte po ako ng Ikaw Lamang and lagi kung sinasabi, fan na fan na rin ako ng show namin like kagabi nanood ako, nawala na ‘yung lungkot kasi noon sabi ko, ay na-miss ko sila, pero ‘yung factor na napapanood ko siya as an audience sabi ko, wow ang ganda talaga ng show,” aniya.

Tayming lang na nabawasan siya ng assigment dahil may pelikula siyang gagawin, pero ayaw muna niyang idetalye kung anong pelikula ito at kung sinu-sino ang kanyang makakasama.