Angeline-Quinto-copy.jpeg-550x505

SA Setyembre 28 (Linggo), 7:30 PM, sa Mall of Asia Arena gaganapin ang finals night ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa na Himig Handog P-Pop Love Songs 2014.

Aawitin ng ilan sa pinakasikat na recording artists ang 15 napiling kanta. 

“Mas matindi ang labanan ngayong taon dahil mas malawak ang itatampok nating genres ng mga awiting sinulat ng magkahalong veteran at bagong songwriters. At dahil d’yan ay mayroon tayong exciting mix ng singers na mag-iinterpret ng ating mga bagong Himig Handog hits,” pahayag ng Star Music head na si Roxy Liquigan. 

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

“Magbabalik bilang Himig Handog interpreters sina Angeline Quinto,Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Marion Aunor,Jessa Zaragoza, at KZ Tandingan. Pero may mga first-timer rin tayo gaya nina Ebe Dancel  at Abra, Jugs at  Teddy, Janella Salvador, Morisette Amon, Hazel Faith dela Cruz, Michael Pangilinan, at Jed Madela,”sabi pa ni Roxy. 

Si Angeline ang aawit ng Hanggang Kailan na komposisyon ni Jose Joel Mendoza; si Daniel ng kantang Simpleng Tulad Mo ni Meljohn Magno; Juris ng Hindi Wala ni Nica del Rosario; Morisette ng Akin Ka Na Lang ni Francis Louis Salazar; Jessa ng Bumabalik ang Nagdaan ni Sarah Jane Gandia; Jovit ng Dito nina Raizo Brent Chabeldin at Biv de Vera; Ebe Dancel kasama si Abra ng Halik sa Hangin ni David Dimaguila; Jed ng If You Don’t Want to Fall ni Jude Gitamondoc; Janella ng Mahal Kita Pero ni Melchora Mabilog; KZ ng Mahal Ko o Mahal Ako ni Edwin Marollano; Bugoy ng Umiiyak ang Puso ni Rolando Azor; Jugs at Teddy ng Walang Basagan ng Trip ni Eric de Leon; Marion kasama sina Rizza and Seed ng Pumapag-ibig ni Jungee Marcelo; at Michael ng Pare Mahal Mo Raw Ako ni Jovinor Tan. Samantala, ang songwriter-finalist namang si Hazel Faith ang interpreter ng kanyang sariling komposisyong Everything Takes Time. 

Ang 15 finalist songs ng Himig Handog Pinoy P-POP Love Songs 2014 ay eksklusibo na ring napapakinggan sa radyo at Internet sa pamamagitan ng official FM station ng ABS-CBN na MOR 101.9 For Life! at sa “MOR TV” nito sa www.mor1019.com.

Sa ikaanim na taon, patuloy ang Himig Handog sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obra-maestrang tatatak sa puso ng music lovers at mamahalin ng maraming henerasyon. Ang ilan sa original Pinoy music (OPM) classic love songs na sumikat sa pamamagitan ng Himig Handog ay ang Hanggang ni Wency Cornejo, Kung Ako Na Lang Sana ni Bituin Escalante, Kung Ako Ba Siya ni Piolo Pascual, Bye Bye Na ni Rico Blanco, This Guy’s In Love With You Pare ni Chito Miranda, at ang dalawang big hit noong 2013 na Nasa Iyo Na Ang Lahat ni Daniel at Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra.