Ni MORLY ALINIO
KAGAGALING lang ni Matteo Guidicelli sa Iron Man triathlon sa Cebu nang dumiretso siya sa lunching ng Line Application Philippines sa Shangri-La Makati. Kaya sunog pa ang balat ng actor nang makausap namin siya.
‘’Kuya Kim (Atienza) was there. Ryan Agoncillo, Billy Crawford and Piolo Pascual, nandu’n din. And it’s a very nice place, it’s a good training for us talaga na nandu’n; Ryan just to the swim and Piolo just to the bike, and Kuya Kim is very, very strong talaga. Masaya,” kuwento ni Matteo.
Pero mas nag-enjoy ang binata nang pag-usapan ang tungkol sa pagiging number one ni Sarah Geronimo sa listahan ng 100 Most Beautiful ng Yes magazine.
“Maraming salamat po sa Yes magazine and I’m very blessed, siyempre, di ba? I’m with amazing and beautiful people, so ‘yun, very good talaga. Masaya.
“She deserved it, siyempre siya ang pinakamaganda. Very proud ako siyempre kasi maganda naman talaga. I always tell her that she is beautiful, but she don’t believe me. Pero heto ngayon sinasabi na ng mga tao, dapat maniwala na siya, ha-ha-ha!”
Ano ang unang reaction ni Matteo nang una niyang malaman na si Sarah ang nasa unang puwesto?
“Wow, congratulations, sabi ko sa kanya. Then sabi ko, di ba, sabi ko sa iyo, ikaw ang pinakamanda?”
Pero hindi lang ang kagandahang panlabas ni Sarah ang nagustuhan ni Matteo sa singer/actress kundi ang inner beauty rin ng dalaga. Pero bakit hindi madalas na napag-uusapan ang kanilang lovelife? Iniiwasan ba talaga nilang magkuwento o magbigay ng komento para iwas-intriga?
“Mas gusto ko ‘yung quiet na relationship para mas nakakahinga,” sagot ni Matteo.
Naniniwala ba siya na kapag madalas na napag-uusapan ay mabilis masira ang relasyon?
“It depends on how you handle your relationship and how strong you are together. Pero bukod sa lovelife, mas gusto kong naka-focus sa work ang isip ko, pero siyempre dapat ‘pag mahal mo ang isang tao lagi mo siyang aalalahanin, di ba?
Kaibigan nila sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Paano nakakatulong ang mag-asawa sa relationship nila ni Sarah?
“They are good friends. Hindi lang kami magkakaibigan kundi para rin kaming magkakapatid. Masaya kami.”
Humihingi ba sila ng tips sa mag-asawa kung paano magtatagal ang kanilang relasyon?
“Ha-ha-ha, basta mababait sila. Happy kami ni Sarah ‘pag sila ang kasama namin,” pagwawakas ni Matteo sa interbyu namin sa kanya.