Paolo Bediones

PATULOY pa ring pinaguusapan at hinahagilap sa Internet ang sex video ni Paolo Bediones. Pero mas nakakagulat ang sinasabing hindi lang isa kundi tatlo ang sex video ng TV5 broadcaster.

Bukod sa paghingi ng tulong sa Philippine National Police para matunton ang nagkakalat ng kanyang video, mukhang hindi naman apektado ang trabaho si Paolo.

Tuloy pa rin siyang napapanood sa mga show niya sa Singko. Marami nga raw ang nagugulat na mga kasamahan niya sa TV5 na hindi nila nakikitaan ng pagkabahala si Paolo at never na nag-absent sa kanyang news program.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nakakapag-post pa rin siya ng magagandang mensahe sa kanyang Instagram account, at binabanggit na sasalang na siya sa Aksiyon Tonite.

“Getting ready for Aksyon Tonite. I am truly blessed to have a family like mine. Solid friends around me and supporters who are there no matter what. Overwhelming love. Life goes on. On air in a bit.”

Pero sa totoo lang, marami ang nagtatanong sa amin na mga kasamahan sa General Parents Teachers Association (GPTA, na kami ang over-all district president sa Tondo) kung saan daw nila puwedeng mapanood ang iba pang kopya ng sex videos ni Paolo Bediones.

Pero sinasabi namin sa kanila na may karampatang parusa na ngayon ang sinumang mahuhuli at mapapatunayan na nagkakalat ng malalaswang sex video.

Huwag nang gayahin ang ilang tao na mas pinaiiral ang pagiging bulag at pipi sa naturang batas at ipinagmamalaki pa nilang may kopya raw sila ng pinag-uusapang sex video ni Paolo, huh!