Sasamahan ng Team Accel si triathlete Nikko Huelgas sa lahat ng kanyang kampanya sa labas ng bansa.

Isinama ng Accel kamakailan si Huelgas bilang bahagi ng kanilang lumalaking listahan ng mga atleta na may potensiyal na magningning sa overseas tournaments.

“Nikko is the future of Philippine triathlon and we, at Sporteum Philippines, Inc., want to be with him every step of the way,’’ saad ni Sporteum Philippines, Inc. president Willie Ortiz.

Si Huelgas, 22-anyos, ang kasalukuyang national triathlon champion makaraang dominahin ang sport sa Philippine National Games sa kaagahan ng taon na ito.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Magsasanay siya sa loob ng 31 araw kasama si lady triathlete Kim Mangrobang sa Rio Maior, Portugal, upang lalo pang mapatatag ang kanilang gilas para sa 17th Asian Games sa Incheon, South Korea sa Setyembre.

Ang Accel ang premiere brand ng Sporteum Philippines Inc. sa sports.