BALITA
Korapsyon sa gov’t, mababawasan -- Duterte
Matigas ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan ang korapsyon sa gobyerno.Sa kanyang public address nitong Huwebes ng gabi, pinayuhan ng pangulo ang Task Force na tumututok sa kampanya ng administrasyon kontra sa korapsyon sa pamahalaan.Iniutos din ng pangulo...
DOH: Nahawang health workers, 11,297 na
Iniulat ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 11,297 ang bilang ng health care workers na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), simula noong Marso.Sa naturang bilang, 10,958 na ang nakarekober o tuluyang gumaling mula sa karamdaman.Sa ngayon, nasa 268 na...
Pagbabawas sa pondo ng mga guro, tinutulan
Pinalagan ni Senador Win Gatchalian ang pagtatanggal ng pondo para sa medical benefits ng mga guro sa national budget ng bansa sa susunod na taon.Nakatakdang talakayin ng Senado ang panukalang budget na P4.506 trilyon para sa 2021 sa muling pagbubukas ng sesyon ngayong...
Fundraising drive para sa typhoon victims, inilunsad
Naglunsad ang Kamara sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco ng isang fundraising campaign upang matulungan ang mga biktima at komunidad na apektado ng dalawang malalakas na bagyo sa Pilipinas, ang Typhoon ‘Quinta’ at Typhoon ‘Rolly’.Ayon kay Velasco, ang...
Pagpatay sa EJK survivor, inalmahan ng CHR
Binatikos ng Commission on Human Rights (CHR) ang brutal na pagpatay sa isang 27-anyos na lalaki sa loob ng isang ospital sa Angono, Rizal, nitong Nobyembre 4.Inihayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ang walang pagsisising pamamaslang kay Vincent Adia,...
Super Lotto jackpot, papalo ng P171-M
Inaasahang papalo ng hanggang P171 milyon ang jackpot ng Super Lotto 6/49 sa susunod na bola nito sa Linggo.Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, wala na namang nagwagi sa lotto draw na isinagawa nitong Huwebes ng gabi, matapos...
Gordon, napikon kay Duterte
Pinalagan ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nitong mukhang pera ang Philippine Red Cross (PRC) na pinamumunuan nito.Naniningil lamang aniya ang PRC sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na siya namang itinakda ng...
SM malls, nagbigay ng mabilisang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Rolly
Mabilis na nagpaabot ng tulong sa mga pamilya na nasalanta ng Bagyong Rolly ang SM malls at SM Foundation. Humigit-kumulang 15,000 na Operation Tulong Express (OPTE) Kalinga Packs ang ipapamahagi sa mga pamilyang tinamaan ng bagyo, tulad ng Naga City, Iriga, Baao, Buhi,...
Diwa ng bayanihan, pairalin
Umapelaang Malacañang sa publiko na pairalin ang diwa ng bayanihan upang mapabilis ang pagbangon ng mga lubhang nasalanta ng bagyong “Rolly”.Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kasalukuyan ay puspusan ang pagsasagawa ng rehabilitasyon ng iba’t ibang...
Canada, iniulat ang unang kaso ng H1N2 swine flu sa tao
ALBERTA (AFP) — Iniulat ng mga awtoridad sa kalusugan ng Canada nitong Miyerkules ang unang kaso ng isang tao na nahawahan ng H1N2 na virus, isang bihirang strain ng swine flu.Ang kaso, napansin sa kanlurang lalawigan ng Alberta noong kalagitnaan ng Oktubre, ay lumilitaw...