GAPAN CITY, Nueva Ecija – Napatay ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher matapos umanong lumaban sa mga pulis sa ikinasang buy-ust operation na ikinasamsam ng mahigit sa P14 milyong halaga ng illegal drugs sa Barangay Sto. Cristo Sur ng lungsod, nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ng Gapan City Police, ang dalawa na sina Percival Miranda, isa umanong military sergeant at taga-nasabing lugar at Dennis Kue, taga-Bgy. Las Piñas, Peñaranda, Nueva Ecija.
Pinangunahan ni Brig. Gen. Remus Medina ang nasabing anti-illegal drug operations ng Gapan Police-Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (P0DEA)-Region 3, na nauwi sa sagupaan, dakong 3:30 ng hapon.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang isa pang kasamahan ng dalawang suspek na tumakas sa gitna ng engkuwentro.
Narekober sa encounter site ang mga baril na ginamit ng dalawang suspek at P14 milyong halaga ng shabu.
Light Nolasco at Ariel Avendaño