CAGAYAN – Aabot na sa 200 ang naitalang binawian ng buhay sa lalawigan nang tamaan ng coronavirus disease 2019.
Ito ay nang maitala ng Cagayan Provincial Health Office ang 52 pang namatay sa nakalipas na 13 araw.
Kabilang na rito ang anim mula sa Abulug, Allacapan, Aparri, La-lo, Sanchez Mira at Tuguegarao City.
Sa kabuuan, aabot na sa 10,382 ang confirmed cases ng COVID-19 at 8,554 ang nakarekober.
Liezle Basa Iñigo