May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bagong biktima ni 'Tattoo Girl?' Manuel Chua, pinagpiyestahan dahil sa sex scandal!

Bagong biktima ni 'Tattoo Girl?' Manuel Chua, pinagpiyestahan dahil sa sex scandal!
Photo courtesy: Manuel Chua (IG)

Trending sa X ang aktor at public servant na si Manuel Chua matapos pagpiyestahan sa social media ang umano'y sex scandal video niya, kagaya rin sa iba pang male celebrities tulad nina Arron Villaflor, Gil Cuerva, Ron Angeles, Nikko Natividad, Nico Locco, at iba pa.

Photo courtesy: Screenshot from X

Ikinaloka ng mga netizen na may maselang video rin si Manuel, kung saan, tila hindi siya aware na kinukuhanan siya ng video habang nakikipagtalik sa isang babae.

Kitang-kita ang tattoo sa katawan ng babaeng kasiping ni Manuel, na iniuugnay rin sa babaeng nakatalik ng iba pang male celebrities na nauna nang nag-trending.

Isang sindikato raw ang nasa likod ng pagkalat ng maseselang videos na ito, para pagkakitaan.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Pinagpapasa-pasahan naman ang videos na ito sa social media platforms, at marami pang pinagkakakitaan ito.

Malinaw na paglabag ito sa batas na Republic Act No. 9995 o may pamagat na Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Si Manuel, bago maging aktor at politician, ay nag-champion muna sa reality show na "Pinoy Fear Factor," na franchised ng ABS-CBN na umere sa telebisyon mula Nobyembre 2008 hanggang Pebrero 2009.

Kasalukuyang konsehal sa San Jose, Nueva Ecija si Manuel nang kumandidato siya noong 2022 at pinalad namang manalo.

Kahit public servant, aktibo pa rin sa showbiz si Manuel. Nakasama pa siya sa seryeng "Sins of the Father" ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Gerald Anderson noong 2025.

Hindi pa naglalabas ng reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag ang kampo ni Manuel tungkol sa eskandalo.