STA. CRUZ, Laguna- Naaresto ang isang kilalang vape master ng Laguna na naging finalist sa isang sikat na television reality show makaraang makuhanan ng droga sa drug buy-bust operation sa Barangay Duhat nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ng Sta. Cruz Police ang suspek na si Mark Joven Olvido, na nakumpiskahan ng tatlong sachet na shabu matapos magpanggap ang isang pulis na kliyente dakong 2:00 ng hapon, ayon sa ulat ni Police Col. Arvin Avelino, hepe ng Police Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit.
Matatandaang naging tanyag si Olvido sa kahusayan ng paggamit ng vape kaya tinagurian itong vape master sa reality show ng Pilipinas Got Talent Season 6.
Danny Estacio